Wednesday, January 30, 2008

Pep Talk


Teka, punasan mo muna ang papatak na luha.
Wag mong sayangin ang panahon sa pag-aalala
sa mga tao at mga pangyayaring nakasakit sa iyo.


Iwan mo na itong sulok ng pagmumukmok.

Alisin mo na ang ngitngit na namumuo sa puso.
Huwag ka nang magalit sa manggagamit.

Hindi ba kusa ka rin namang nagpagamit
at lihim pang naghintay ng kapalit?


Tahan na. Heto ang balikat ko.
Sumandal ka muna hanggang mabawi mo ang iyong lakas.
Sabay tayong titindig at lalakad.
Aakayin kita.
Kumapit ka lang nang mahigpit sa aking magaspang na kamay.

At sa paghupa ng unos sa isip mo,
huwag mo naman akong pagdamutan ng iyong ngiti
na magsasabing ika'y panatag na.

4 comments:

milx said...

di ko man alam ang konteksto ng iyong katha, di ko man maarok ang damdaming nag-udyok para mabuo ang bawat taludtod, ang masasabi ko lang, i can so relate.. na tila ba ang bawat salita at ang kahulugan nito ay bumi-bingo sakin! sapul!Ö ---milky

milbenski said...

salamat milks!

nais kong ipaalam sa lahat ng aking kaibigan na nandito ako't handang dumamay subalit may mga piling oras na kung saan ako rin ay salat sa sariling lakas na ninanais ko ring may marinig at madama ang pakikiramay.

leslie said...

you guys are so lalim with the talk.. but the post made my heart iyak and smile a bit. so lalim..just want to say na, me din always here lang for all our friends..

leslie said...

haha..